Saturday, August 13, 2011

Pisobid Scam Proof

Update: Mukhang sumisikat na ko sa mga alipores ni pisobid. Puro tagalog comment sa unang post ko, tagalugin ko na din at baka di nila maintindihan dito sa pangalawa, tutal malapit na linggo ng wika.

Para sa mga alipores ni Pisobid, nagresearch na naman ako at eto ang nakita kong ilang katibayan ng pangscam ninyo sa mga tao.

Scam Proof #1
Salamat kay Joshua sa hiniram kong larawan kahit di ako nagpaalam (sana po wag kang magalit kuya).

Makikita ninyo sa larawan sa taas na halos magkasunod natapos ang 2 sugal na idinaos ni Pisobid. Ito po ay nangyari noong ika-9 ng Hunyo base doon sa larawan, bago pa lang ang Pisobid. Wat a koinsidens. Ano naiisip ko dito?


Scam Proof #2
Isa sa mga lagi nilang nilalagay sa fake auction o fake bidding nila ang mga dslr camera. Bakit? Kasi mahilig ang mga pinoy ngayon dito, madaming nagpipilit na maging photographer.

Ang isang sample auction nitong Pisobid na to - http://pisobid.com/Auctions/Nikon-D5000-DSLR-Camera/831
Nakalagay na retail price: Php37,699.00
Sabi ng pisobid, nakasave daw yung kunyaring nanalo ng 99.98%
Umabot ang kunya-kunyariang bidding ng Php58.98
Yan ang babayaran nung nanalo (daw). Sino ang nakasave ng 99.98%? Wala. Ang nanalo lang dito ay si Pisobid scammer. Daming nagbid, kung 10pesos per bid, 58,980 pesos po ito mga kababayan.
Bukod pa diyan, ang retail price po ng isang Nikon D5000 ay nasa 22,000.00 na lamang. Subukan nyong tumingin sa sulit o sa ayosdito, dami niong makikita kaysa magsugal kayo sa PisoBid.

Lahat ng nakalista sa kanila ay overpriced, dapat masilip na talaga to ng DTI. Calling DTI Secretary Gregory Domingo, bantayan niyo po ang mga presyo ng bilihin dito sa website na to.

P.S.
Sabi ng mga tagapagtanggol ni Pisobid dun sa kanilang websayt, paano naman daw ang sweldo ng mga empleyado? Ang tanong ko naman, paano mo papaswelduhin ang mga bots?

Abangan po ninyo ang mga susunod ko pang rebelasyon tungkol sa Pisobid Scam. Sa next update, ang reklamo ng ilan pang naloko nila na nakipagugnayan na din sa akin. Patapos na din ang pagdidisenyo ko ng magiging opisyal na twitter page ng pisobid scam. Sundan nyo din po ako dun para sa mga iba pang rebelasyon.

Kung may proof pa kayo, email nyo na lang ako sa:
pisobidscam[at]hotmail.com
Sama-sama tayong ilabas ang katotohanan sa panglolokong ginagawa ng pisobid sa mga kapwa natin Pilipino.

هو موقع احتيال في الفلبين أن يأخذ المال من الكثير من الناس pisobid

10 comments:

  1. Kinopya mo pa ang picture mo kasi wala ka ng ibang makita. And that image was 48 years ago! lol... Mag research ka kasi para meron kang maipakitang proof. Ang ginagawa mo ay isang uri ng pambubulahaw para lang mapansin ang paparating na bagong auction site. Diba?

    ReplyDelete
  2. para po atang kulang ang logic ng proof nyo.. dahil halos magkasabay nanalo scam na? or dahil maraming nagbid at tumagal ang auction, scam na? so how about un ibang items na natapos agad ang auction (ibig sabihin konti lng nagbid).. sa ganung case hindi sya scam?

    so that people will believe you and not think you are just a sour-graping loser, find concrete proof..

    ReplyDelete
  3. I saw the visual aid used by the poster. Eh panahon pa ng Kastila ang ginamit mo jan eh! Wala bang mas bago? lol.. Your post is unorganized and incomplete. Did you experience bidding in Pisobid? Or wala? Parang ang objective mo lang eh manira hindi tumulong. :) Sana lang eh kung maninira ka sana concrete yung proof mo. Para naman mas kapanipaniwala. :)

    ReplyDelete
  4. Andito pala mga bayaran ni Pisobid..hahaha! Mga walang perang sumusunod sa pinaguutos ng mga salbaheng tao sa likod ni Pisobid!

    ReplyDelete
  5. ay, ganun ba un, dahil ni-question ang logic ng blog at nanghingi ng concrete proof eh bayaran na.. di ba pwedeng innocent bystander na gustong sumali sa mga online auction sites na naghahanap lang ng katibayan para sa mga allegations mo? kakatuwa ka naman..

    ReplyDelete
  6. i think parang scam nga ang dating ng pisobid

    i just encountered several days ago palaging iisang tao lang nanalo... thats too obvious...

    ReplyDelete
  7. hindi ko alam kung bkit ang daming tanga sa mundo ngaun.. napaka obvious naman di totoo yang mga online bid-bid na yan.. ang nananalo lang jan kundi ung auctioner lang.. to put it simply, the auctioner is also the bidder.. imagine it. from the word na lang na "ONLINE" hindi mo alam ang nangyayari sa likod nian kasi nga ONLINE..

    ReplyDelete
  8. hala tlga scam po ba ang piso bid... buti indi ako naadik sa piso bid ginamit ko lang ung free 5 bid nila.

    nka chat ko ung customer service nila c erica. tinanong ko nga "sabi ko ko bka mamaya scam yan lam mo na maraming masasama dito sa mundo natin"... un pala buti na lang nabasa ko ung blog nio...
    salamat sa blog.... :)

    ReplyDelete
  9. haist sinong bid ba ang mapapagkatiwalaan... naguguluhan nako....

    o wala kahit sino????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depende na sa iyo madam. Ok naman ang ibang site, but if you want to play with the original site (complete with winners blog, video interviews, tech and customer support, and over a year of experience with 4000 winners) then you should choose Pisobid.

      You can check their winners blog here:
      www.pisobidwinners.blogspot.com

      or subscribe to their youtube account
      http://www.youtube.com/pisobid

      Ikaw na bahala humusga

      Delete